Tuesday, March 19, 2013

Kontribusyon sa Lipunan

     Si Rica Peralejo ay kilala bilang sikat at magaling na artista. Ang kanyang mga parangal na nabanggit ay iilan lamang na patunay ng kaniyang kontribusyon sa sining na kanyang kinabibilangan na nagbibigay identitad sa atin bilang mga Filipino. Noon pa man, tinitingala at hinahangaan na siya ng marami sa kanyang kakayanan sa pag-arte, lalong-lalo na nga mga nangangarap ring maging artista. Higit pa riyan, alam naman natin kung paano nagbago ang kanyang imahe; mula sa pagiging sexy star sa ngayong isang active advocate na ng pagpapakalat ng salita ng Panginoon. Dahil sa kanyang bagong napiling buhay, naging inspirasyon siya ng maraming tao. Siya ngayon ay isang aktibidong nakiki-isa sa mga proyekto at gawain na ikau-unlad at ikabubuti ng simbahan at ng nakakarami. Siya at ang kanyang asawa na si Pastor Joseph Bonifacio ay buong galak na nag-babahagi ng salita ng Diyos sa ibang tao sa kahit anong paraan na sa palagay niyang pinaka-mabisa upang maghatid ng mensahe at impormasyon; maaaring sa internet: social networking sites, nariyaan ang twitter at facebook, blog; T.V. interviews at iba pang pag-labas; atbp. Sa pamamagitan nito at pagsasalita niya at pag-bibigay ng testimonya minsan sa simbahan, siya ay naging nagbigay pag-asa at liwanag sa mga tao lalung-lalo na sa mga kababaihan na nahihirapan sa pagtuklas at sa pagpapa-halaga ng kanilang mga sarili. Si Rica ay pag-asa sa mga taong nagkamali sa buhay at nag-nanais makamtam ang pag-tanggap ng ibang tao.

      Ang Pilipinas ay kilala sa pagiging isang Kristiano at positibong bansa, na, sa tingin namin, ay hinahangaan sa atin. Dahil sa patuloy na gawain ni Rica Peralejo sa pagmamalasakit sa kapwa at sa pagba-bahagi ng salita ng Diyos, maraming mga tao, lalung-lalo na mga bata, ang nabibigyan ng magandang pundasyon sa kanilang mga asal at pagka-tao. Tinutulungan niyang magkaroon ng lakas ng loob, maging malaya at magpa-kita ng kanilang mga kakayahan na pinagka-loob sa kanila ng May Kapal ang mga kababaihan higit sa lahat.

No comments:

Post a Comment