(source: http://instagram.com/ricaperalejobonifacio/)
Regina Carla Bautista Peralejo-Bonifacio o mas kilala natin bilang “Rica” ay ipinanganak noong ika-pito ng Marso noong 1981. Siya ay isang artista at nabibilang sa Star Magic circle ng ABS-CBN. Siya ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Ateneo De Manila University ng kurso sa Creative Writing.
Si Rica ay nag-aral sa School of the Holy Spirit sa Quezon City. Nagsimula siya sa Ang TV bilang isa sa mga batang aktor sa pang bata na palabas na ito. Nagsimula siya noong 1992. Ang "Ang TV" ay isa sa mga pinkasikat na palabas noong dekada nobenta at dito rin nagsimula ang mga bigatin na artista ngayon sa industriya ng show business. Kasama niya rito sina Claudine Baretto, Angelica Panganiban, Camille Prats, John Prats, Patrick Garcia, Jolina Magdangal at marami pang iba.
Mula sa mga pambatang palabas lumipat si Rica sa katunggali na tv istasyon ng ABS-CBN na GMA network. Siya ay naging parte ng isa sa mga sikat na palabas na "teen-flick" noong 1995. Sa T.G.I.S. ay nagsimula na si Rica na umalis sa pagiging batang aktor sa industriya. Ngunit noong 1996 siya ay muling bumalik sa ABS-CBN para sa isa din "teen-flick" na palabas na Gimik kung saan kasama niya ang mga aktor tulad ni Judy Ann Santos, Rico Yan, Diether Ocampo, Dominic Ochoa, Kristine Hermosa, at marami pang iba.
Noong 1997 ay unang sumabak si Rica sa mga horror na palabas na !Oka Tokat at mula noon ay nagkaroon na siya ng iba't ibang mga pagganap sa mga palabas at pelikula. Noong 2000, si Rica ay bumida sa isang aksyon na pelikula na "Ex-Con" at noong 2001 siya ay gumawa ng isang sexy film tulad ng "Balahibong Pusa" at nagsimulang mabansagan na "bold queen". Siya rin ay sumabak sa mga horror films tulad ng Malikmata, Matakot Ka Sa Karma (2006 MMFF entry), Spirti Of The Glass, Tiyanaks, at may ipa ba. Noong 2008 ay isa sa siya mga cast ng blockbuster film na “Caregiver”
Tinanggap niya ang mga kontrobersyal na pelikula upang maipakita ang kanyang "maturity" sa mundo ng showbiz mula sa pagiging batang aktor, teen aktor, at sexy aktor. Siya ay na linya sa mga sikat ng aktor sa mga "sexy films" or adult themed films tulad nila Joyce Jimenez, Katya Santos, Andrea del Rosario, at Maui Taylor. Noong 2001 ay gumawa rin si Rica ng isang pelikula na inaaral sa mga klase ng literatura ng, ang Tatarin na isinulat ni Nick Joaquin. At dito siya rin ay nanalo bilang best supporting actress sa Luna Awards.
Si Rica ay nagkaroon din ng relasyon sa loob ng showbiz. Siya ay nagkaroon ng mahabang relasyon kay Bernard Palanca ng apat na taon. Marami ang nagakala na sila na ang magkakatuluyan at magpapakasal ngunit natapos ito ng sila ay nag desisyon na maghiwalay. Si Rica at Bernard ay isa sa mga naging matunog na “celebrity couple” noong 2001-2005. Noong sila ay naghiwalay si Rica ay niligawan rin ng sikat na aktor na si Piolo Pascual ngunit hindi tinanggap ni Rica ang panliligaw nito dahil siya ay nagsisimula pa lamang ng kanyang bagong buhay noon.
Si Rica ay naging isang born again Christian at ito ang nagpabago ng takbo ng kanyang karera sa showbiz. Pagbabago sa kanyang mga pananaw at mga paniniwala sa buhay ay naganap sa kanyang buhay. Sa isang interview kasama ang pep.ph ay sinabi ni Rica na "Lahat ng kasalanan ko nabayaran na ng Diyos. I don't get hurt because alam kong di naman lahat maa-accept at maiintindihan ako," Mula noon ay hindi na tumanggap ng sexy films ang aktor at siya ay nagsimula na sa kanyang bagong buhay.
Si Rica ay nagpakasal noong 2009 sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Joseph Bonifacio. Isang pastor si Joseph Bonifacio.
Sinabi ni Rica kung paano sila nagkakilala ni Joseph Bonifacio sa kanyang personal blog (realrica.com)
“I met Joseph through my friends from Victory church because they were also Joe’s friends. Aside from that, I would always see him in church gatherings, ever since I started attending in 2006.”
Sila ay ikinasal sa Batangas at nagkaroon ng isang simple at nakakaiyak na seremonya. Ang kanilang “first kiss” ay naganap noong kanilang kasal at ang sabi ni Rica ay “It felt good. Parang nakakakilig na nakakahiya.”
Ito ay isang litrato noong kasal nila Rica at Joseph Bonifacio:
(http://actlikeaman.org)
Ngayon siya ay isang pastor’s wife at tunay nga naman niyang ipinagmamalaki ang pagbabago sa kanyang buhay na nagmula sa Diyos.
Sa kasalukuyan si Rica ay gumagawa ng malimit na palabas sa national tv tulad ng Maalala Mo Kaya at mga pa unit-onting guesting dahil siya ay isang “committed” pastor’s wife na ngayon at masugid na sinusuportahan ang kanyang asawa sa pag bibigay serbisyo sa Panginoon.

No comments:
Post a Comment